08.21.22

Ang pamahalaang lokal ng Tangalan, Aklan sa pamumuno ng butihing alkalde, Gary T. Fuentes at bise-alkalde, Gene T. Fuentes ay nagkaroon ng libreng konsulta sa mata ang ating 105 indigent senior citizens. Kasama na rin dito ang libreng pamimigay ng eye glasses. Sinabi ni G. Leonardo P. Bantad, Jr., MSWDO na ang mga matatanda ay nangangailangan ng pangangalaga at ginhawa upang mamuhay ng malusog na buhay nang walang pag-aalala. Kaya naman binibigyang prayoridad ang kapakanan ng ating mga nakatatandang Tangalanons. Ang aming taos-pusong pasasalamat sa Mijares Optical Clinic sa pangunguna ni Dr. Jofelda M. Laserna at sa kaniyang mga staff.